MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Mayo 16 na nakapasa ang nasa 691 mula sa 1,479 test-takers sa May 2023 Licensure Examination for Dentists na ibinigay ng Board of Dentistry sa Manila, Baguio, Cebu at Davao.
Nag-iisang nanguna ang Southwestern University bilang top performing school sa pagsusulit ayon sa abiso ng PRC na may 52 sa 64 na pumasa o overall rating na 81.25 percent.
Samantala, itinanghal bilang top notcher sa pagsusulit na may 83 percent score si Patricia Marie Mercado Cueto mula sa Lyceum of the Philippines University – Batangas, Inc.
Sinundan siya nina Louise Christen Tolentino Valerio mula Centro Escolar University – Manila na nakakuha ng 82.70 percent at Nikko Dela Cruz Liberato mula University of Baguio na may score naman na 82.70 percent.
Ang petsa at venue ng oathtaking ay hindi pa inaanunsyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden