Home HOME BANNER STORY 7 bilateral agreements inaasahang pipirmahan sa Japan visit ni PBBM

7 bilateral agreements inaasahang pipirmahan sa Japan visit ni PBBM

92
0

MANILA, Philippines – Inaasahang mapipirmahan ang nasa pitong bilateral agreements sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo.

Nakatakdang bumisita si Marcos sa Tokyo mula Pebrero 8 hanggang 12, kung saan inaasahan na palalakasin nito ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

“During the visit, we anticipate the signing of seven key bilateral documents or agreements covering cooperation in infrastructure development, defense, agriculture and information and communications technology, areas that are in the President’s priority agenda,” ayon kay DFA Assistant Secretary Neal Imperial.

Aniya, kasama sa biyahe patungong Japan sina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, former President Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Rafael Lotilla, Tourism Secretary Christina Frasco, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Makikipagpulong naman si Marcos kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na susundan ng working dinner na pangungunahan ng Japanese leader.

“Both leaders will discuss a broad range of bilateral and regional issues to further strengthen the two countries’ cooperation in the second decade of their strategic partnership,” sinabi pa ni Imperial.

Ibinahagi rin niya na bibigyan ang Pangulo at ang First Lady ng Imperial Audience kasama sina Emperor Naruhito at Empress Masako.

Magkakaroon din ito ng meet and greet sa Filipino community bago lumipad pabalik ng Manila sa Pebrero 12.

Nauna nang sinabi ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Japan ay nakasentro sa economic security.

“The agenda will be a continued discussion of what we started in New York, which essentially centers around economic security,” anang Pangulo.

Noong Nobyembre 2022, nagkasundo si Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin pa ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Dito ay nagpasalamat naman ang Pangulo sa Japan sa suportang natatanggap ng bansa sa iba’t ibang larangan lalo na sa disaster management. RNT/JGC

Previous article4 na miyembro na susuri sa PNP resignations pinangalanan na
Next articlePatay sa masamang panahon, 44 na – NDRRMC