MANILA, Philippines – Naitala ng state weather bureau ang nakamamatay na init sa pitong lugar sa Pilipinas nitong Sabado, Mayo 20.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang pinakamataas na heat index nitong Sabado ay naitala sa Aparri, Cagayan na umabot sa 49°C.
Ang heat index ay itinuturing ng PAGASA bilang “apparent temperature” o ang temperaturang nararamdaman ng tao. Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C ay nasa kategoryang “peligroso” sapagkat maaaring magdulot ito ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag patuloy na nagtatagal sa sikat ng araw.
Advertisement