MANILA, Philippines – Nasagip ang pitong indibidwal ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa motorbanca na bahagyang lumubog sa katubigang sakop ng White Island at Barangay Pag-asa, San Jose Occidental Mindoro.
Ang motorbanca ay mula Calintaan patungong San Jose, Occidental Mindoro nang makasagupa ang malalaking alon na naging dahilan ng pagpasok ng tubig dagat sa banka.
Nagpadala naman ng search and rescue team sa pangunguna ni San Nicolas Barangay Captain Oliver Jaranilla at nailigtas ang limang pasahero ng motorbanca.
Nagtulong din ang PCG at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa SAR operation upang masigurong ligtas ang dalawa pang pasahero.
Nakilala ang mga pasahero na pawang mga residente ng Occidental Mindoro na sina:
1. Bryan Mark Verden, 18
2. Rolan Tadia, 16
3. Niko Vinloan, 18
4. Mark Gonzales, 15
5. Martin Jacob, 12
6. Erick Naldo, 21
7. Arvin Padua, 25
Hinila naman ng PCG ang motorbanca sa pampang ng Barangay Pag-asa sa San Jose. Jocelyn Tabangcura-Domenden