Home METRO 7 pulahan patay sa bakbakan sa N. Ecija

7 pulahan patay sa bakbakan sa N. Ecija

MANILA, Philippines- Pitong rebeldeng komunista ang napatay at nasa 10 matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng militar sa nangyaring engkwentro kahapon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija.

Base sa report ng 703rd infantry Agila Brigade, ang mga napatay ay hinihinalang miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng Communist Terrorist Group (CTG) nang makaengkwentro ng mga sundalong kasapi ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army.

Ayon kay Lieutenant Colonel Jerald Reyes, commanding officer, 84IB, nagsimula ang engkwentro  sa pagitan ng militar at mga rebeldeng NPA noong Biyernes sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Aurora.

“Mayroon po tayong nakuhang pitong bangkay mula sa mga CTG at nakarekober po tayo ng sampung (10) mga matataas na klase ng armas. Napigilan po natin ang kanilang planong maibalik ang kanilang impluwensiya sa kumonidad gamit ang pananakot. Actually, hinabol namin ang mga ito galing Aurora to Nueva Vizcaya ngayon dito sa Nueva Ecija. Kaya naman po lubos ang aming pasalamat sa mga tao sa kanilang suporta sa mga kasundaluhan. Tinitiyak din po namin ang kaligtasan ng mamamayan ng Nueva Ecija laban sa banta ng mga teroristang grupo,” sabi ni Reyes.

Tumakbo umano ang mga rebelde patungong Sitio Marikit East, Brgy. Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya hanggang sa muling namataan ang grupo sa bahagi ng Barangay Malbang, Pantabangan.

Patuloy ang ginagawang clearing operation ng mga aworidad sa lugar kung saan narekober ang tatlong (3) M14 rifles, anim (6) na M16 rifles, isang (1) M16 na may M203 attached rifle, isang (1) low-powered firearm, subversive documents, at iba pang kagamitan mula sa mga rebelde.

Inaalam din ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay sa engkwentro.

Mahigpit naman ang isinasagawang checkpoint ng mga pulis sa mga lugar papasok at palabas sa bayan ng Pantabangan.

Nagpasalamat si Brigadier General Joseph Norwin D. Pasamonte PA, Commander of the 703rd Infantry (Agila) Brigade, Philippine Army sa mga residente at tiniyak na pananatilihin ang kapayapaan sa lugar.

“The community’s active cooperation has a big impact on the results of this operation. Their full support to the Army has paved the way to more significant peace and security accomplishments in our Area of Operations. We assure you our strong commitment to the community in preserving the peace that we have been working on for years,” ayon kay Pasamonte..

Bagama’t naging matagumpay ang nasabing operasyon laban sa mga rebeldeng NPA ay nalulungkot din si Pasamonte dahil kapwa Pilipino ang nagbuwis ng buhay.

Kung kaya hinihikayat ng sundalo ang iba pang miyembro ng NPA na magbalik -oob na sa pamahalaan.

“I am deeply saddened that our brother Filipinos died because of the trickery of the CTG. We can prevent further loss of lives if the remaining members would only join us in our mainstream society. Nandito kami handang ipagtanggol ang ating mga kababayang ang nais lamang ay kapayapaan at katiwasayan,”dagdag pa ni Pasamonte. Marina G. Bernardino