Home LIFESTYLE 7 sa 10 Pinoy nagbabalak mag-abroad sa susunod na 12 buwan –...

7 sa 10 Pinoy nagbabalak mag-abroad sa susunod na 12 buwan – survey

664
0

MANILA, Philippines – Lumabas na pito sa 10 Filipino ang nagbabalak bumiyahe abroad sa susunod na 12 buwan, o 82% ang nagsabing plano nilang higit sa dalawang beses na bumiyahe.

Ayon kay Grab Ads head of marketing Jennie Johnson, lumitaw sa 2,000 respondents na isinama sa survey, na ang Thailand ang nangungunang travel destination para sa mga biyaherong Pinoy.

Sinundan ito ng Singapore sa ikalawang pwesto, Malaysia at Vietnam na nag-tie sa ikatlong pwesto sa SEA Travel Insights 2023 report.

Maliban sa mga nabanggit, nasa taas din ng listahan ang Japan bilang travel destination sa labas ng ASEAN region.

Samantala, lumabas din sa pag-aaral na ang mga Filipino ang maituturing na most budget-conscious sa Southeast Asia at magaling magplano ng biyahe, kung saan isa hanggang tatlong buwan bago ang itinakda ay nagpaplano na ito.

“Filipinos love international travel, people are excited for international travel. The pandemic is in the rearview mirror and travel is here to stay and the intent is only growing,” sinabi ni Johnson sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo. RNT/JGC

Previous articleLTO sa lifetime driving ban vs Wilfredo Gonzales, ‘wala namang namatay’
Next articlePinakabagong resupply mission sa Ayungin Shoal, matagumpay – AFP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here