FILE PHOTO: The Bumble Inc. (BMBL) app is shown on an Apple iPhone in this photo illustration as the dating app operator made its debut IPO on the Nasdaq stock exchange February 11, 2021. REUTERS/Mike Blake/Illustration
MANILA, Philippines – Pito sa 10 Pinoy ang naghahanap ng kasintahan, romansa at jowa kapag bumibiyahe sa ibang bansa!
Sa pinakahuling pag-aaral ng Bumble sa tulong ng YouGov Singapore PTE LTD, pito sa 10 Filipino, “are more likely to seek out a holiday romance while traveling, with men (73%) being slightly more likely than women (71%) to do so.”
Ang survey ay gumulong online noong Agosto 2022 target ang 1,108 single Filipino participants edad 18 hanggang 41.
Mula naman sa global perspective, sa survey ng Bumble sa mahigit 14,000 ay lumabas na nais ng mga single na kumain, makipag-date at magmahal ngayong taon.
Nasa 33% sa mga ito ang nagsabing bukas sila sa konsepto ng “Wanderlove” o ang pagkakaroon ng karelasyon sa mga tao na hindi nakatira sa kanilang lungsod.
Ang dating trend na ito ay pareho rin sa Pilipinas, kung saan 10% sa mga Filipino ang naniniwalang “it is easier to date in another country.” RNT/JGC