Home HOME BANNER STORY 7 sa 10 Pinoy pabor sa PUV modernization – survey

7 sa 10 Pinoy pabor sa PUV modernization – survey

MANILA, Philippines – TINATAYANG mayorya o 70% ng adult Filipino ang nagpahayag ng suporta sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng gobyerno.

Ito ang lumabas sa resulta ng survey na isinagawa ng research and analytics firm Capstone-Intel Corp. ipinalabas, araw ng Biyernes.

Ang survey, isinagawa mula Nov. 22 hanggang 29, kasama ang 1,503 respondents, nagpapakita na 70% ng respondents ay inaprubahan ang ginagawa ng pamahalaan sa PUV modernization, mayroong 41% ang nag-rate sa programa bilang “good” habang 29% naman ang nagbigay ng “very good” performance rating.

Mayroon lamang na 5% ang nag-rate sa performance ng pamahalaan bilang negatibo habang 24% naman ang neutral.

Ipinalabas ang survey kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Dec. 31 deadline para sa konsolidasyon ng PUV operators at drivers ay hindi na mae-extend pa.

Sa kasalukuyan, mayroong 70% ng lahat ng mga operator ang “committed to and consolidated” sa ilalim ng PUVMP.

Aniya, ang konsolidasyon ng PUVs ay itutulak para sa kapakinabangan ng bansa sa gitna ng planong gawing modernisado ang public transport system.

Sa ilalim ng PUVMP, “operators and drivers will be organized into cooperatives or corporations to ensure the efficiency of its operations with an upgraded fleet of low-carbon emission, safe and efficient PUV units.”

Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni Capstone-Intel Research and Publications Director Ella Kristina Domingo-Coronel na ang mataas na porsiyento ng suporta para sa modernization program ay hindi nangangahulugan na dapat nang maging kampante ang gobyerno sa polisiya nito para sa PUVs, lalo na sa pagbibigay suporta para sa jeepney drivers at operators.

“So, of course, lahat ng tao, gusto ng modernization, gusto natin ng modern public transportation system. And obviously, survey respondents are in favor of it. But that doesn’t stop the government from ensuring that those who will be displaced will have a source of income because no one should be left behind,” aniya pa rin.
Makikita pa rin sa survey na ang jeepney ay “second most commonly used mode” ng land transportation sa bansa, ginagamit ng 34% ng mga respondent. Ang motorsiklo naman ang “most popular mode” ng transportasyon na may 37% ng mga respondent ang gumagamit nito.

Ipinakita rin ng pag-aaral ang transportation expenses ng mga filipino, kapuwa sa “personal at household levels.”

Para sa indibiduwal, 75% ang gumagasta ng “less than P500” kada linggo.

Habang sa household level, ipinakita sa pag-aaral na katamtaman ang naging pagtaas sa weekly transportation budget, mayroong 54% ang nagsabi na mas mababa sa P500 ang kanilang nagagastos sa loob ng isang linggo, habang 43% naman ang nagsabi na higit pa ang kanilang nagiging gastos. Kris Jose

Previous article6 sa 10 Pinoy ‘food secured’ sa sunod na 6 buwan
Next article₱1.57M shabu nasamsam, 2 suspek arestado