MANILA, Philippines- Naaresto ng National Bureau of Investigation-Dagupan District Office ang pitong indibdiwal sa umano’y pagbebenta ng pekeng titulo ng lupa sa Pangasinan.
Ayon sa NBI nitong Biyernes, tinangkang magbenta ng mga suspek na sina Corazon Langit Idio Villedo, aka “Lourdes Tan”, Rogelio de Guzman Martinez, Cornelio Velasquez Mejia, Danilo Andaya, Bernard Tandoc, Sonny Fernandez, at Arturo Castro ng titulo ng 378 square meters ng lupa sa Calasiao, Pangasinan, sa ilalim ng pangalang Lourdes V. Tan.
Pumayag ang complainant na bilhin ang lupa sa halagang P3 milyon, subalit kalaunan ay natuklasan niyang naninirahan si Lourdes V. Tan sa United States, at pekeng titulo ang iprinisinta sa kanya.
Nadakip ang mga suspek sa entrapment operation nitong September 15 at mahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 (estafa) in relation to Article 172 (falsification by private individuals and use of falsified documents) sa ilalim ng Revised Penal Code. RNT/SA