Home METRO 70-anyos na lola nabiktima ng love scam; libong halaga ng pera natangay

70-anyos na lola nabiktima ng love scam; libong halaga ng pera natangay

MANILA, Philippines – Sawi na nga sa pag-ibig ay nasimot pa ang libo-libong pera ng isang 70-anyos na babae sa Davao na nabiktima ng love scam.

Base sa sumbong ng biktima, nagpakilalang isang Amerikano ang kanyang ka-chat mate na isa pala talagang scammer.

“Sabi niya, pupunta ako sa Pilipinas para pakasalan ka. Tutulungan niya akong pumunta sa America, lahat ng kapatid ko nandoon sa America,” anang biktimang itinago sa pangalang Analyn.

Dahil sa pangako, humingi ng pera ang scammer na umabot sa  P68,000 para pampamasahe umano papuntang Pilipinas at nangako na papalitan ito nang tripleng halaga.

Dagdag na P30,000 pa sana ang ipadadala ni Analyn nang mapansin ng kanyang apo na naka-address ang pagpapadalhan sa Pinas, kung saan palusot ng scammer na ang kukobra ay isang ahenteng Pinoy.

Magpapadala pa sana si Analyn ng P30,000 nang mapansin ng kanyang apo na ipinapadala ang pera sa isang address sa Pilipinas, na ipinaliwanag ng scammer ay isang ahenteng Pilipino.

“Di ko gusto masayang ang pera niya kaya sinearch ko, mutual friend siya ng barkada ko dati. Chinat ko ang barkada ko na tattoo artist, sabi ko kilala mo ba ito? Sabi niya oo, kilala ko. Kasama niya raw nagta-tattoo. Di raw yun agent,” anang apo ng biktima.

Iniimbestigahan na ng kapulisan ang suspek na pwedeng makasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nagbabala naman ang kapulisan matapos ang insidente.

“Pag once lang ka chat ay humingi na ng pera at gumagawa ng kung anu-anong dahilan, mag-isip-isip na po tayo. Love month pa naman ngayon, nanamantala ang mga taong ito. Lumaban naman sila ng patas magtrabaho sila nang maayos,” ani Regional Anti-Cybercrime Unit 11 Police Colonel Ricardo Punzalan. Santi Celario

Previous articlePilipinas ikaapat sa may pinakamataas na kaso ng TB
Next article4 nasa kritikal na kondisyon sa gumuhong simbahan sa Malolos