ISRAEL – Iniulat ng national rescue service ng Israel na umakyat na sa 70 ang death toll sa paglusob ng grupong Hamas sa southern Israel.
Sinabi ng Magen David Adom service na daan-daang indibidwal din ang nasa malubhang kondisyon matapos masugatan.
Dahil dito, maituturing ang pag-atake nitong Sabado, Oktubre 7, bilang “deadliest day” ng bakbakan sa Israel sa nakalipas na dekada.
Samantala, iniulat naman ng Associated Press na nagpaulan ng libo-libong rockets at nagpadala ng mga armadong kalalakihan ang Hamas sa mga bayan ng Israel malapit sa Gaza Strip sa isang “surprise attack” kasabay ng isang major Jewish holiday.
Ayon sa Israel, ang bansa ngayon ay “now at war” sa Hamas at naglunsad din ng airstrikes sa Gaza.
Nagresulta naman ito sa pagkasawi ng 198 katao sa Gaza Strip at ikinasugat ng 1,610 iba pa, sinabi ng Palestinian Health Ministry in Gaza.
“We are at war,” pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang televised address, at nagdeklara ng “mass army mobilization.”
“Not an ‘operation,’ not a ‘round,’ but at war.”
“The enemy will pay an unprecedented price,” dagdag pa nito, sabay nangako na ang Israel ay babalik sa “fire of a magnitude that the enemy has not known.” RNT/JGC