Home METRO 72 residente sa Agusan del Sur naospital sa pagsusuka, LBM

72 residente sa Agusan del Sur naospital sa pagsusuka, LBM

MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 72 residente ng Esperanza, Agusan del Sur ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at loose bowel movement nitong Lunes.

Sinabi ni Dr. Jackie Momville, Provincial Health Officer ng Agusan del Sur, na karamihan sa mga dinala sa Esperanza Medicare Community Hospital ay mula sa Barangay Tandang Sora.

Nagsimulang dumating ang mga pasyente sa ospital ng alas-6 ng hapon.

Nagtalaga rin ang Rural Health Unit ng Esperanza ng team sa Barangay Tandang Sora.

Gumugulong ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng karamdaman.

“Ang goal po natin is masalba po sila and wala pong mamamatay na pasyente,” wika ni Momville.

“Very important po sa ganitong sitwasyon, kapag may mga pasyente na pumapasok, yung una po nating gagawin is suero-han po sila para di sila ma-deyhydrate dahil sa pagsusuka at pagtatae. Tapos, itong line na ito, puwede po itong maging daan para sa mga gamot na ilalagay na po agad sa IV para agaran po yung effect, no, gaya ng mga pain reliever, meron ding antibiotics,” dagdag niya.

Pinaigting naman ng EMCH ang manpower nito upang matugunan ang sitwasyon.

Nagpadala rin ang Provincial Health Office at iba pang ospital sa lalawigan ng logistical support sa EMCH, kabilang ang IV fluids, mga gamot, at medical supplies.

Pinalawig din ng dalawa pang ospital ang bed capacity nito sakaling dalhin doon ang ibang pasyente.

Base sa PPIO Agusan del Sur, nagpadala ng ambulansya ang Search and Rescue team ng provincial government sa Esperanza at nakipag-ugnayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Agusan del Sur) at City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bayugan.

Nag-edploy din ng dalawang Patient Transport Vehicles (PTV).

Tumulong naman ang MDRRMO San Luis sa paglilipat ng mga pasyente mula Dimasalang gym patungo sa ospital sa Esperanza.

Gayundin, nagpadala ang Philippine Red Cross ng Oresol mula sa Department of Health, medical teams, at mga nurse upang tumulong sa ospital. RNT/SA

Previous article6 durugista timbog sa pot session sa loob ng 10-wheeler truck
Next articleDOLE: Taas-presyo ng mga bilihin nagbabadya sa dagdag-sahod ng mga manggagawa