MANILA, Philippines- May kabuuang 7,451 drivers ang nasita ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) field personnel, at iba pang law enforcement agencies para sa traffic law violations sa unang kalahati ng 2023.
Iniulat ng LTO-NCR na nahuli ang 7,451 motorista sa iba’t ibang regular operations na isinagawa ng field personnel nito, ang Philippine National Police, at ang Department of Public Works and Highways.
Nasita naman ang 837 motorista sa paggamit ng mga sasakyan na may sirang accessories, devices, equipment, at parts, na labag sa probisyon ng Republic Act 4136 or the Land Transportation and Traffic Code.
Gayundin, may kabuuang 1,752 drivers ang nahuli sa hindi pagsusuot ng prescribed seat belt device o protective motorcycle helmet, habang 12 ang nasita sa paglabag sa RA 10666 (children’s safety under the MC Act).
Sinabi ni Versoza na 2,176 sa mga nahuling driver ang dumalo sa seminar sa traffic laws and safety sa ilalim ng pangangasiwa nina Transportation Secretary Jaime Bautista at LTO OIC-Assistant Secretary Atty. Hector A. Villacorta. RNT/SA