Home NATIONWIDE 75 bagong immigration officers, nakapagtapos na sa BI Academy

75 bagong immigration officers, nakapagtapos na sa BI Academy

388
0

MANILA, Philippines – NASA kabuuang 75 na bagong batch ng mga immigration officers sa ilalim ng Bureau of Immigration (BI) Philippine Immigration Academy (PIA) ang nakapagtapos kung saan ginanap ang kanilang graduation ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Lunes.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga nasabing nakapagtapos ay sumailalim sa isang bagong fast-tracked course na naglalayong magbigay ng maigsi na karanasan sa pag-aaral para sa mga bagong IO na magsisilbing frontliners sa mga pangunahing paliparan sa bansa.

Lahat ng mga opisyal ng imigrasyon ay sumasailalim sa pagsasanay sa ilalim ng BI-PIA sa mga batas, tuntunin, at pamamaraan ng imigrasyon. Ang akademya ay matatagpuan sa Clark, Pampanga, ngunit ang mga bagong opisyal ay sinanay sa pamamagitan ng “in-house” sa NAIA upang magbigay ng mas holistic, on-the-ground na pagsasanay.

Ang mga bagong IO ay sinanay sa pinakabago at pinakamahuhusay na kagawian sa migration industry at handang i-deploy kaagad pagkatapos ng kurso.

Ibinahagi ni Tansingco na tiniyak niya na kasama ang soft skills bilang bahagi ng pagsasanay, upang mapabuti ang paraan ng pagsasagawa ng mga tungkulin ng mga immigration officers.

Nabatid sa BI na ang mga bagong nagtapos ay binubuo ng 22 babae at 53 lalaki. Nagsilbi namang panauhing pandangal si Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla sa nasabing seremonya.

“I am proud to have been given an opportunity to address you this morning,” ani Remulla sa kanyang talumpati.

“Soldiers you are, warriors you are, but given a task sometimes called so mundane, but actually very significant at a time when terrorism other crimes have crossed borders without limit. You are the ones who limit the movement of people who will not do our country good favor,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon kay Tansingco, ang mga nasabing bilang ng nakapagtapos ay magsisilbing karagdagan sa kanilang mga tauhan para sa mga paliparan at iba’t ibang tanggapan ng BI.

“As we continually recover from the woes of the covid-19 pandemic, we need a new breed of officers to cope with the increasing volume of passengers,” ani Tansingco.

“We also trust that through this action, we strengthen our drive to combat human trafficking and thwart the entry of unwanted aliens in our borders,” dagdag pa ng opisyal.

Ang 75 opisyal ay idaragdag sa halos 1,000 tauhan na naka-deploy sa iba’t ibang mga internasyonal na paliparan sa bansa. JAY Reyes

Previous articleEstate tax amnesty pinalawig ng Kamara ‘gang 2025
Next articleChinese nat’l na iligal na namumuhay sa bansa, arestado ng BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here