Home NATIONWIDE 75% ng mga Pinoy ‘competent’ sa wikang Filipino;  47% sa Ingles –...

75% ng mga Pinoy ‘competent’ sa wikang Filipino;  47% sa Ingles – sarbey

MANILA, Philippines- Halos tatlo sa apat o 75% ng adult Filipinos ang mahusay sa paggamit ng wikang Filipino habang halos 47% ang “competent” sa wikang English, batay sa Social Weather Station (SWS) survey kamakailan.

Halos 1,200 Pilipinong nasa hustong gulang ang nakilahok sa face-to-face poll na isinagawa mula March 26 hanggang March 29, 2023. Mayroon itong sampling error margin na ±2.8%.

Base sa SWS, 96% ng respondents ang nakababasa ng Filipino; 93% ang nakaiintindi at nakapgsusulat gamit ang wika at 87% ang nakapagsasalita ng Filipino; 75% naman ang nag-iisip sa Filipino habang 1% ang hindi gumagamit ng nasabing kasanayan.

Sinabi rin sa survey na 80% ng mga Pilipino ang nakaiintindi ng spoken English; 80% ang nakababasa; 69% ang nakapagsusulat; 55% ang nakapagsasalita; at 47% ang nag-iisip gamit ang wika. Tanging 9% ang hindi ginagamit ang nabanggit na mga kasanayan.

Gayundin, napag-alaman sa poll na na ang paggamit ng mga Pilipino sa parehong wika noong March 2023 ang pinakamataas mula noong September 2000, kung saan 53% sa mga kalahok ang gumagamit ng Filipino; 29% ang :fairly using it:; 15% ang “partially using it”; at 4% lamang ang “almost not using the language.”

Halos 9% ng adult Filipinos ang gumagamit ng English language; 35% (fairly use it); 41% (partially use it); at 14% (almost do not use it).

Noong 2020, inilagay ng international language training company Education First ang Pilipinas sa ika-27 pwesto sa Proficiency Index, mas mababa ng pitong pwesto mula sa 2019 rankings ng bansa. RNT/SA

Previous article3 durugista laglag sa P200K shabu sa Malabon buy bust
Next articleIsinulong ni Bong Go: UMENTO SA SAHOD NG MGA TAGA-GOBYERNO