Home NATIONWIDE 76 parak natanggal sa serbisyo noong 2023 – Abalos

76 parak natanggal sa serbisyo noong 2023 – Abalos

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 76 police personnel ang inalis sa serbisyo noong 2023, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules, Enero 10.

Sa kanyang speech, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na nagkaroon ang National Police Commission (NAPOLCOM) ng 681 investigation reports laban sa mga tiwaling pulis.

“In 2023, the NAPOLCOM has investigated and prepared a total of 681 investigation reports and rendered decisions on 437 summary dismissal cases-including 76 who were dismissed from the service, 89 who were demoted, 93 who were suspended, and 11 who were reprimanded,” ani Abalos.

Noong nakaraang taon, matatandaan na ipinanawagan ni Abalos ang paghahain ng courtesy resignations ng mahigit 950 police colonels at generals upang magbigay-daan sa malawakang imbestigasyon sa ahensya at makalos ang mga tiwaling pulis sa Philippine National Police.

Kabuuang 18 resignations ang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, sinabi ni Abalos na nag-isyu sila ng circular na nagbibigay lamang ng 30 working days sa pagdedesisyon sa promotion ng isang police personnel.

“Our accountability mechanisms are balanced by efforts to ensure that those worthy of praise, promotion, and recognition are rewarded,” ayon kay Abalos.

“The NAPOLCOM, with yours truly as its Chair, has issued last year a resolution imposing a 30-working day deadline on action with respect to PNP promotions,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleAmihan, shear line magpapaulan sa Luzon
Next articlePAO CHIEF, ONE OF TOP PICKS FOR 2025 POLL