MANILA, Philippines – Wagi ang isang 78-anyos na babae mula sa Bulacan ng mahigit P93 milyon na Super Lotto 6/49 jackpot.
Ayon sa ulat na random niyang pinili ang winning combination na 42-12-25-05-19-18 para sa Super Lotto 6/49 draw noong Hulyo 27 dahilan para maiuwi niya ang P93,693,905.40 jackpot.
“Hiling ko talaga ito sa Panginoong Diyos. Pinagdarasal ko na patamain niya ako,” anang maswerteng mananaya sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Samantala, wala namang nanalo sa major lotto draws nitong Lunes, Setyembre 18.
Lumabas ang winning combination na 37-26-05-16-21-24 para sa Megalotto 6/45 bettor na may P28,687,710.80 jackpot.
Lumabas naman ang 09-02-26-49-22-30 winning digits para sa Grand Lotto 6/55 draw na may P29,700,000 jackpot. RNT