Home NATIONWIDE 789 bagong kaso ng COVID naitala mula Agosto 14 ‘gang 20

789 bagong kaso ng COVID naitala mula Agosto 14 ‘gang 20

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health nitong Martes, Agosto 22 na nakapagtala ito ng 789 na bagong kaso ng COVID-19 mula Agosto 14 hanggang 20.

Sa nakalipas na linggo mula Agosto 7 hanggang 13, mayroong 924 na COVID-19 infection.

Ang daily average ng mga kaso ngayon ay 113 na mas mababa ng 15 percent kumpara sa nakalipas na linggo.

Sa mga bagong kaso, sinabi ng ahensya na 11 mga pasyente ang nasa malubha o kritikal na kondisyon.

Lumabas din sa datos ng DOH na 10 katao ang namatay sa respiratory disease noong Agosto 14 hanggang 20.

Nitong Martes, mayroong 2,765 na aktibong kaso ng coronavirus ang Pilipinas.

Mula nang magsimula ang pandemya noong 2020, humigit-kumulang 4.109 milyong Pilipino ang nahawa ng virus, habang 66,660 na kaso ang humantong sa pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSuspensyon ng FIT-All collection pinalawig ng ERC
Next articleChina ambassador tiwala kay Locsin bilang special envoy