Home METRO 8-anyos bangkay nang natagpuan sa sagingan

8-anyos bangkay nang natagpuan sa sagingan

DAVAO de Oro – Hindi na nakauwi nang buhay ang walong-anyos na batang babae na natagpuang walang buhay sa sagingan sa bayan ng Maragusan.

Nitong Lunes, Pebrero 26, nang iniulat ng mga magulang ng biktima na nawawala ang kanilang anak na nagpaalam lang na aalis saglit at hindi na nakauwi.

Sa ulat ni Police Major Ariel Pascual, hepe ng Maragusan Municipal Police Station, natagpuan din ang paslit dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes din.

Malamig nang bangkay ang bata na natagpuan sa sagingan sa Barangay Magcagong.

Nadakit naman ang isang lalaki na sinasabing huling nakitang kasama ng biktima. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon. RNT

Previous articleAmazonang NPA leader patay sa engkwentro
Next article2 senior patay sa sunog sa Capiz