Home METRO 8-anyos utas sa bigti

8-anyos utas sa bigti

ILOCOS SUR-Tigok ang isang 8-anyos na bata matapos magbigti sa bayan ng Narvacan ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 12.

Ang biktima ay isang lalaki, grade 2.

Base sa imbestigasyon, ang biktima at ang kapatid nitong 9-anyos na babae ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo dahil sa tsitsirya.

Umalis ang biktima at nagpunta sa likod ng kanilang bahay.

Makalipas ang halos isang oras ay hindi pa bumabalik ang biktima kaya hinanap ito ng kanyang nanay.

Nagulat na lang ang nanay nito nang madiskubre ang anak na wala nang malay at nakabitin sa loob ng kanilang CR.

Mabilis na ibinaba ang anak at agad na dinala sa Ilocos Sur District Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso