Home METRO 8 biktima ng illegal recruitment naharang sa Zamboanga port

8 biktima ng illegal recruitment naharang sa Zamboanga port

MANILA, Philippines – Naharang at nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng illegal recruitment sa Zamboanga International Seaport.

Ayon sa BI, ang walong manggagawa ay nagtangkang sumakay ng barko patungong Malaysia noong Nobyembre 13.

Naunang sinabi ng mga ito na sila ay mga turista na may iba’t ibang dahilan, katulad ng pagbiyahe, pagbili ng makina at pagbisita sa kaanak.

Ngunit nang siyasatin, inamin ng mga ito na plano nilang magtrabaho sa isang shipyard at engineering firm sa Kuala Lumpur.

Inabisuhan naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga nais maghanap ng trabaho abroad na makipag-ugnayan lamang sa mga awtorisadong ahensya.

“Aspiring workers abroad must obtain the necessary clearances and approvals from relevant government agencies, […] This includes verification of your employment contract, validation of your job offer, and securing overseas employment certificates from the Department of Migrant Workers,” ani Tansingco.

Nai-turn over na ang walong manggagawa sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon. RNT/JGC

Previous articleVideo message ng biktima sa bus shooting, inilabas ng mga kapatid
Next articleKasong murder inihain sa mga suspek sa pagpatay sa elected barangay captain sa Pagadian