Home NATIONWIDE 8 dam sa Luzon mababa na sa normal na lebel ng tubig...

8 dam sa Luzon mababa na sa normal na lebel ng tubig – PAGASA

MANILA, Philippines – Mababa sa normal na lebel ng tubig ang karamihan sa mga major dam sa Luzon dahil sa kakulangan sa mga pag-ulan sa watershed areas.

Ayon sa PAGASA sa dam status advisory alas-6 ng umaga nitong Lunes, Enero 29, nakitang bumababa ang lebel ng tubig sa walo sa siyam na mga dam sa Luzon.

Kapansin-pansin sa mga ito ang pagbaba ng Angat Dam ng 0.13 meters sa 211.55 meters, mababa sa average high water level nitong 212 meters.

Sa Angat Dam kumukuha ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila.

Ang ibang dam sa Luzon katulad ng Ipo Dam, La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Magat Dam, ay tuloy-tuloy din sa pagbaba ang lebel ng tubig na kasalukuyang mas mababa na sa normal high water levels.

Sa pinakahuling climate monitoring bulletin hanggang nitong Enero 25, malaking bahagi ng Luzon ang nakakakuha ng mas mababa sa normal na dami ng ulan. RNT/JGC

Previous articlePBBM may payo sa mga doktor ni ex-PRRD
Next article2024 Shari’ah Bar Exams inilipat ng iskedyul, gagawin sa Abril at Mayo