Home NATIONWIDE 8 dayuhang ‘wanted’ sa pagnanakaw pinauwi sa Japan

8 dayuhang ‘wanted’ sa pagnanakaw pinauwi sa Japan

MANILA, Philippines- Ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang walong Japanese national na umano’y miyembro ng robbery group na nasangkot sa serye ng pagnanakaw sa Japan.

Nabatid na ang walong dayuhan ay wanted sa kanilang bansa at pinasakay sa isang flight ng Japan Airline sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-9:45 ng umaga at ituturn-over sa mga awtoridad ng Japan.

Kinilala naman ang mga nasabing dayuhan na sina Harada Shota, Nakamura Naoto, Endo Sueiro, Kobayashi Mikio, Otani Takuya, Mayuumi Kaito at Sakiyama Kenta. JAY Reyes

Previous articleBaha sa ilang bahagi ng Surigao del Sur hanggang dibdib; mga residente inilikas
Next articleSharon, lalayasan ang Pinas, may ‘serye’ sa Amerika!