Home METRO 8 ex-NPA rebels tumanggap ng P80K cash aid

8 ex-NPA rebels tumanggap ng P80K cash aid

202
0

MANILA, Philippines – Tumanggap ng kabuuang P80,000 na cash assistance ang walong dating miyembro ng New People’s Army sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Sa pamamagitan nito, madali nang makababalik sa lipunan ang mga dating rebelde.

Inirepresenta ng kanyang executive assistant si Mayor Rogelio Raymund Tongson Jr., ang pagturn-over ng mga tseke na tig-P10,000 bawat isa sa mga rebel returnee.

Kasama rin sa turnover sina Brig. Gen. Orlando Edralin, commander ng Army 303rd Infantry Brigade (IBde), at Lt. Col. Van Donald Almonte, commander ng 94th Infantry Battalion (IB) sa City Hall nitong Huwebes, Agosto 3.

Ang mga dating NPA rebels ay sumuko sa 94th IB at city police.

Bukod sa salapi, nakatanggap din ang mga ito ng food packs at personal kits mula sa lokal na pamahalaan at City Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Umaasa naman ang pamahalaan na mapakikinabangan ng mga rebel returnees at pamilya nito ang ibinigay na ayuda para magbagong-buhay.

“You all now serve as a living testament to the government’s sincerity to its mission.”

Umaasa naman si Edralin na marami pang aktibong NPA ang susuko na rin at samantalahin ang inaalok ng benepisyo ng programa. RNT/JGC

Previous article27 kalsada, isinara, sinira ng bagyong Egay, habagat
Next articleChina sinalanta ng ‘heaviest rainfall in 140 years’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here