Home METRO 8 guro nasagip mula sa umapaw na ilog

8 guro nasagip mula sa umapaw na ilog

MANILA, Philippines- Walong guro ang nasagip mula sa isang ilog sa lahar area sa Botolan, Zambales matapos tumaas ang water level dahil sa pag-ulan, ayon sa ulat nitong Linggo.

Base sa video mula sa Botolan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), makikita ang isang lalaking sakay ng kalabaw na inaalis ang ilang indibidwal mula sa Malumboy River.

Sinabi ng MDRRMO na tumatawid ng ilog ang mga biktima nang biglang tumaas ang lebel ng tubig dahil sa malakas na ulan.

Ipinaliwanag ng mga lokal ma awtoridad na ang tubig ay may halong lahar deposits mula sa Mount Pinatubo, dahilan upang tumaas ang tubig sa ilog tuwing tag-ulan. RNT/SA

Previous article3 suspek sa Salilig hazing case, sumuko sa NBI
Next articleCo-parenting nina Max at Pancho, pinuri ng netizen!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here