MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakatanggal sa serbisyo ng walong pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar.
Ang pagsibak sa walong pulis, pawang mula sa Navotas City, ay inirekomenda ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) kasunod ng imbestigasyon.
Si Baltazar, 17, ay namatay noong Agosto 2 habang patungo sa pangingisda matapos siyang pagbabarilin at mapatay ng mga pulis ng Navotas City na tumutugis sa suspek sa pamamaril sa Barangay NBBS Kaunlaran. RNT