MANILA, Philippines- Matagumpay na napauwi ang walong Filipino human trafficking victims mula Myanmar, ayon sa ulat nitong Lunes.
Dumating ang mga Pilipino sa bansa nitong Lunes ng umaga, na sinalubong ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega at iba pang opisyal, batay sa hiwalay na ulat.
Nasagip ang mga biktima, apat sa kanila ang pinagtrabaho bilang online scammers sa crypto currency farms, ng Myanmar authorities at ng Philippine Embassy sa Yangon.
Kabilang sa kanila ang apat pang Pilipino na nahuli matapos pumasok sa Myanmar sa pamamagitan ng unauthorized route.
Sinabi ng mga Pilipino na pinagpanggap sila bilang mga turista sa Thailand at iligal na dinala sa Myanmar para magtrabaho bilang online scammers.
Inilahad ng mga biktima na inabuso sila at pinagbanyaan kapag hindi sumunod sa mga utos.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Myanmar authorities upang matukoy ang mga indibidwal sa likod ng iligal na aktibidad.
Pinasalamatan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Myanmar authorities sa pagsagip sa mga Pilipino. RNT/SA