Home METRO 8 pulis sa mistaken identity case mahaharap sa kasong administratibo

8 pulis sa mistaken identity case mahaharap sa kasong administratibo

333
0

MANILA, Philippines – Mahaharap sa kasong administratibo ang walong pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na binatilyong si Jerhode Jemboy Baltazar, sinabi ni Navotas City Police Chief Colonel Allan Umipig nitong Sabado, Agosto 12.

“Walo po [ang nasampahan ng administrative charge]. Nafile na po. Pero ‘pag conduct po ng investigation, doon pa lang malalaman kung ano ang specific title,” pahayag ni Umipig.

Nilinaw naman ni Umipig na ang hindi nadagdagan ang bilang ng mga pulis na kakasuhan ng administrative charges, sabay-sabing tukoy na nila ang walong sangkot sa simula pa lamang ng imbestigasyon.

“Ang administrative charge, walo po kaagad ‘yan dahil kasama na po sa administratibo ang commander at assistant,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, anim na pulis lamang umano ang mahaharap sa criminal charges.

Nang tanungin kung ano ang eksaktong criminal charge na isasampa, sagot niya ay: “homicide through reckless imprudence.”

Nilinaw naman ni Umipig na posible pa itong magbago depende sa makokolektang ebidensya mula sa insidente.

“Magkaiba po ang [criminal charge]. Anim lang po ang may criminal charge, ‘yung anim lang po na na-identify na pumutok ng baril. ‘Yun po ang anim,” paglilinaw niya.

Matatandaan na napatay si Baltazar noong Agosto 2 ng pulis-Navotas makaraang mapagkamalang suspek sa isinasagawa nilang follow-up operation. RNT/JGC

Previous article3 ongoing Manila Bay reclamation projects apektado ng suspensyon – PRA
Next articleIlang barangay sa Zamboanga lubog sa baha

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here