Home METRO 8 sasakyan sinunog sa Gensan, suspek arestado!

8 sasakyan sinunog sa Gensan, suspek arestado!

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga salarin sa pagsunog sa walong sasakyan sa General Santos City.

Inamin naman ng nahuling suspek na siya ang nakuhanan sa CCTV.

Batay sa impormasyon ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection, alas-3 ng madaling araw nang magsimula ang serye ng panununog sa mga sasakyan.

Ayon sa suspek, binayaran umano siya ng kakakilala pa lang niya sa trabaho ng P2,000 para sunugin ang mga sasakyan ng kagalit nito.

Kailangan lamang talaga umano ng suspek na itinago sa “Alyas Sixto” ng naturang pera para sa kanyang misis na may sakit.

Isinantabi na ang anggulong terorismo sa naturang insidente. RNT/JGC

Previous articleUST Paskuhan itinakda sa Disyembre 21
Next articleApo pinatay ng sariling lola sa Basilan