MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas noong Martes ng 82 bagong impeksyon sa coronavirus, ayon sa Department of Health.
Batay sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng DOH, nasa 2,571 ang aktibong kaso. Ito ang pinakamababang kabuuang aktibong kaso sa loob ng 14 na buwan o mula noong Hunyo 9, 2022 na may 2,529 na aktibong kaso.
Ang national caseload ay tumaas sa 4,110,931 habang ang kabuuang recoveries ay tumaas din ng 136 na kaso sa 4,041,693. Ang bilang ng mga namatay ay nananatiling 66,667.
Sa nakalipas na 14 na araw, ang NCR ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 na may 495, sinundan ng Calabarzon na may 212, Central Luzon na may 179, Davao region na may 101, at Soccsksargen na may 94 na kaso.
Sa mga lalawigan at lungsod, ang Quezon City ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo na may 121, sinundan ng Laguna na may 60, Bulacan at Cavite na may tig-58, at Rizal na may 57.
Ang COVID-19 bed occupancy ay nasa 12.7%, na may 2,740 na kama ang okupado—kabilang ang 2,071 sa ICU—at 18,789 ang bakante. RNT