Home NATIONWIDE 82% ng sakahan sa bansa, may mababang soil fertility – DA

82% ng sakahan sa bansa, may mababang soil fertility – DA

255
0

MANILA, Philippines – Malaking bahagi ng mga sakahan sa bansa ang may mababang soil fertility o abilidad na makapagpatubo ng mga pananim.

Ayon kay Bureau of Soil and Water Management chief agriculturist Karen Bautista, nasa 82% ng mga sakahan sa bansa ang may moderate to low levels ng soil fertility batay sa National Soil Fertility Mapping Project ng ahensya.

“Ten years ago, nasa…moderate levels of soil fertility iyong ating mga kalupaan. So, patuloy po na nadi-degrade, nagkakaroon po ng degradation over the years due to some unsustainable agricultural practices,” pahayag ni Bautista.

Dagdag pa niya, kulang sa kaukulang nutrisyon ang mga lupa sa bansa katulad ng nitrogen, phosphorus at potassium.

Idiniin din ni Bautista na ang hindi tamang paggamit ng imported synthetic fertilizers ay nakaaapekto rin sa soil acidity.

“Yung ating imported synthetic fertilizers nagko-contribute po iyan sa acidity ng ating lupa kung mali ang paggamit — hindi right time, hindi right amount, hindi right rate,” ani Bautista.

Upang tugunan ang naturang problema, hinikayat ng Department of Agriculture ang mga magsasaka na gumamit ng kombinasyon ng organic fertilizer at biofertilizer sa pamamagitan ng balanced fertilization strategy at crop diversification. RNT/JGC

Previous articleDemotion ni Arroyo, patunay na pinaghinalaan sa coup vs Romualdez – solon
Next articleProtected bike lanes pahahabain pa ng DOTR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here