Home NATIONWIDE 84 pagyanig naitala sa Mayon

84 pagyanig naitala sa Mayon

163
0

MANILA, Philippines – PATULOY ang pamamaga ang bulkan Mayon habang nagpapatuloy sa pag-alboroto ang bulkan iniulat kanina Agosto 3, 2023 (Huwebes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkan Mayon habang naitala naman ang 84 volcanic earthquake.

Iniulat din ng Phivolcs ang mabagal na pagdaloy ng lava sa bunganga ng bulkan.

Kaugnay nito iniulat din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan at katamtamang pagsingaw sa hilagang silangan.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Gayun din ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Nagpaalala din ang Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava at katamtamang pagputok ng bulkan. Santi Celario

Previous article10 pang Pinoy patay sa COVID!
Next articleFlood control projects sa 2024 nilaanan ng P215.64-B budget

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here