Home HOME BANNER STORY 85 ‘katawan’ narekober sa Davao de Oro landslide —LGU

85 ‘katawan’ narekober sa Davao de Oro landslide —LGU

MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 85 na katawan kabilang ang mga parte ng katawan ang narekober mula sa pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro, ayon sa local government.

Sa ipinalabas na abiso nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 14, na nasa 38 katao ang nawawala pa rin habang hindi bababa sa 32 nasugatan ang nailigtas mula sa pagguho ng lupa.

Noong Pebrero 6, ang pagguho ng lupa ay tumama sa paligid ng apat na barangay, na natabunan ng ilang bahay, isang barangay hall, at ang terminal ng isang kumpanya ng bus. RNT

Previous article4 nasa kritikal na kondisyon sa gumuhong simbahan sa Malolos
Next articleTom ‘di makasagot kung ready na bang mainlab ulit