Home NATIONWIDE 85% ng higit 400 foreign vessels sa South China Sea, Tsino -Brawner

85% ng higit 400 foreign vessels sa South China Sea, Tsino -Brawner

257
0

MANILA, Philippines – ISINIWALAT ni Armed Forces chief of staff General Romeo Brawner Jr. na 85% ng mahigit sa 400 foreign vessels sa South China Sea ay Tsino.

“Well, at any one time, sa buong South China Sea, there are around 400… more than 400 na mga foreign vessels. Kasama na po dito ‘yung mga fishing vessels, ‘yung mga research vessels, Coast Guard, pati na rin ‘yung mga navies ng iba’t-ibang bansa,” ang sinabi ni Brawner sa mga mamamahayag sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

“Majority of these more than 400 vessels are Chinese vessels… according to the commander of WESCOM, Admiral Carlos, he said about 85% of all of these foreign vessels in the South China Sea are Chinese,” dagdag na wika nito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinapanatili ng China ang posisyon nito na halos buong South China Sea— kabilang na ang Ayungin Shoal at iba pang lugar sa West Philippine Sea ay bahagi ng makasaysayang teritoryo nito.

Ito’y sa kabila ng arbitral ruling na nagpapawalang-bisa sa ‘massive claims’ ng China sa resource-rich region.

Binalewala naman ng Beijing ang nasabing ruling at kagyat na gumawa ng “necessary controls” laban sa Philippines boats na ayon sa mga intsik ay “illegal na pumasok sa sakop na katubigan nito.”

Nauna rito, napaulat na namataan ng isang US maritime security expert na si Ray Powell ang mahigit 21 maritime militia ships mula sa China na patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Dito nakapwesto ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigpit na binabantayan matapos ang insidente noong nakaraang linggo.

Ayon kay Powell, pinaniniwalaan nitong kabilang ang mga namataang barko sa mga umaaligid sa Ayungin Shoal na sangkot sa pagbo-bomba ng mga water cannons sa mga Pilipino noong ika-5 ng Agosto.

Dagdag pa nito, 19 militia ships ng China ang nanatili sa Ayungin at tatlong Chinese Coast Guard vessels naman ang bumalik sa Hainan Island. Kris Jose

Previous articleEx-cop sa viral road rage dapat kasuhan – Abalos
Next articleUnang araw ng COC filing generally peaceful – Comelec chief

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here