Home NATIONWIDE 85% sa higit 400 foreign vessels sa South China Sea, mula sa...

85% sa higit 400 foreign vessels sa South China Sea, mula sa China

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Armed Forces chief of staff General Romeo Brawner Jr. nitong Lunes, Agosto 28 na 85% ng mahigit 400 foreign vessels sa South China Sea ay pag-aari ng China.

“Well, at any one time, sa buong South China Sea, there are around 400… more than 400 na mga foreign vessels. Kasama na po dito ‘yung mga fishing vessels, ‘yung mga research vessels, Coast Guard, pati na rin ‘yung mga navies ng iba’t-ibang bansa,” pahayag ni Brawner.

“Majority of these more than 400 vessels are Chinese vessels… according to the commander of WESCOM, Admiral Carlos, he said about 85% of all of these foreign vessels in the South China Sea are Chinese,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ipinipilit ng China na sila ang nagmamay-ari sa kabuuan ng South China Sea, kabilang ang Ayungin Shoal at iba pang lugar sa West Philippine Sea na pasok sa exclusive economic zone ng bansa.

Kasabay din ito ng arbitral ruling na nagpapatunay dito.

Nitong weekend, kinumpirma ni Brawner na isang barko ng China ang bumuntot at nagmasid sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng resupply mission sa West Philippine Sea.

Ang BRP Laguna ay binuntutan at binantyan ng isang Chinese warship 630 sa resupply mission nito sa Pag-asa Island, bahagi ng Kalayaan Group of Islands na kabilang sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Wala pang komento ang Chinese Embassy kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleBong Go, kampeon ng healthcare
Next articleKontribusyon ni DMW chief Toots Ople, ‘unsung heroes’ kinilala ni PBBM sa Araw ng mga Bayani