Home METRO 85 tirahan nasira sa malakas na ulan, hangin sa Cotabato

85 tirahan nasira sa malakas na ulan, hangin sa Cotabato

MANILA, Philippines – Sinira ng malakas na ulan at hangin ang 85 tirahan sa Kabacan, Cotabato nitong Huwebes, Marso 28.

Ayon kay Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman, apat na barangay ang napuruhan ng matinding pag-ulan na pinaniniwalaang isang mild tornado na nagsimula alas-3 ng hapon.

Sa 85 apektadong tirahan, 28 ang tuluyang nasira at 57 ang partially damaged.

Bago ang malakas na ulan ay nakaranas ng 40-degree Celsius na heat index ang Cotabato province, kung kaya’t nagulat ang mga residente sa biglaang malakas na pag-ulan.

Samantala, iniulat ang hailstorm sa Sitio Liton, Barangay Kayaga kasabay ng malakas na ulan.

Bukod sa Cotabato, limang tirahan ang bahagyang nasira sa Pigcawayan, North Cotabato sa malakas na pag-ulan habang natumba naman ang mga poste ng kuryente at binaha pa ang ilang tirahan sa malakas na pag-ulan sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur. RNT/JGC

Previous article3 blacklisted Chinese nationals naharang sa tangkang paglusot sa mga tauhan ng immigration
Next articleBong Go, naantig sa kuwento ng pamilya na natulungan ng Malasakit Center