Home NATIONWIDE 855 dagdag-kaso ng COVID, naitala

855 dagdag-kaso ng COVID, naitala

299
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 855 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Mayo 30.

Dahil dito ay bumaba sa 14,742 ang aktibong kaso ng sakit.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula Mayo 3 na mas mababa sa 1,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Samantala, nasa 4,141,535 ang total nationwide caseload.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 7,800, sinundan ng Calabarzon sa 5,026, Central Luzon sa 2,342, Western Visayas sa 1,620 at Bicol region sa 861.

Naitala naman ang 1,734 bagong gumaling kung kaya’t ang recovery tally sa buong bansa ay nasa 4,060,327 na at nananatili sa 66,466 ang death tally dahil walang nasawi sa sakit.

Hanggang nitong Linggo, Mayo 28, nasa 21.8% ang bed occupancy sa bansa sa 5,512 okupadong kama at 19,769 na bakanteng kama. RNT/JGC

Previous articleErwin Tulfo nanumpa na bilang representative ng ACT-CIS party-list
Next articleIssue ng Degamo slay, ginagamit para tabunan ang Maharlika bill – Teves

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here