Home NATIONWIDE 86-anyos na PDL pinalaya

86-anyos na PDL pinalaya

MANILA, Philippines – Nakalaya na mula sa New Bilibid Prisons (NBP) ang isang 86-anyos na person deprived of liberty (PDL) na hinatulan sa kasong murder.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang PDL na si Rimberto Salvanera ay nakaratay sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa sakit sa kidney  nang ilabas ang kanyang release order Disyembre 27,2023.

Sa record ng BuCor, si Salvanera ay ipinasok sa New Bilibid Prison noong March 10, 2012 alinsunod sa commitment order na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 41 dahil sa kasong murder.

Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang parusang iginawad ng trial court kay Salvanera.

Noong December 29, 2022 nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang commutation of sentence ni Salvanera.

“Salvanera’s sentence was commuted to an indeterminate penalty of 20 years as minimum to 25 years as maximum while all other portions of the sentence, including the adjudged civil liabilities, shall remain undisturbed and complied with,” ayon sa BuCor.

Batay sa record, sa computation ng aktuwal na panahon na ginugol ni Salvanera, napagdusahan na ng naturang political detainee ang sentensiya laban sa kanya.

Ayon kay Catapang, ang 86-anyos na si Salvanera ay kuwalipikado ng lumaya lalo na at nalampasan na niya ang panahon ng kanyang sentensiya.

Wala na rin aniyang ligal na balakid sa paglaya ng nasabing political detainee.

Samantala, umaabot na sa 6,821 na inmates ang nakalaya na.mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon.

Sa naturang bilang 582 ang lumaya noong Enero (2023); 469 noong Pebrero; 552 noong Marso; 784 noong Abril; 441 noong Mayo; 490 noong Hunyo; 457 noong Hulyo; 513 noong Agosto; 410 noong Setyembre; 484 noong Oktubre; 412 noong Nobyembre; pagpitada ng Disyembre hanggang Disyembre 28 ay may 1,227 o karagdagang 242 noong Disyembre 18. Teresa Tavares

Previous articlePinalawig na tapyas-taripa sa agri products aprub sa NEDA
Next articleEnvironmental Protection Order inilabas ng SC pangproteksyon sa mga bundok sa Mt. Province