Home NATIONWIDE 86 Pinoy sa Gaza nakausap ng PH embassy sa Jordan

86 Pinoy sa Gaza nakausap ng PH embassy sa Jordan

MANILA, Philippines- Nakausap na ng Philippine Embassy sa Jordan ang 86 sa 136 Pilipino sa Gaza simula alas-4 ng umaga nitong Linggo ng umaga kasunod ng internet at communications black-out sa lugar sa pagbomba ng Israel sa enclave nitong weekend.

Sa ulat, sinabi rin ng embahada na hindi pa nito alam ang kalagayan ng 50 pang Pilipino.

Nauna nang inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang bagong bahagi ng tugon ng Israel sa October 7 attack ng Hamas ang ground, naval at aerial attacks na nag-umpisa nitong Sabado at titindi pa sa paglipas ng mga araw.

Inihayag ng mga Pilipino sa Gaza na pinangangambahan nila ang pagsisimula ng ground invasion, na nangangahulugan ng bakbakan saan man, kahit pa sa presensya ng mga sibilyan. RNT/SA

Previous articleComelec chair Garcia nakaboto na para sa BSKE 2023
Next article6 LTO enforcers kakasuhan sa ‘extortion’ sa anti-colorum drive