Home NATIONWIDE 880 PDLs pinalaya ng BuCor

880 PDLs pinalaya ng BuCor

MANILA, Philippines- May kabuuang 880 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya nitong Huwebes sa iba’t ibang preso at penal farms, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr.

“Swerte kayo. Marami ang pinalaya natin ngayon. Ito na siguro marahil ang pinakamalaki, 880, no?” ani Catapang sa culminating activity.

Batay sa datos ng BuCor, 374 ang mula sa New Bilibid Prison (NBP), 196 mula sa Davao Prison and Penal Farm, at 92 galing sa Correctional Institution for Women (CIW).

Samantala, sa pinalayang PDLs, mahigit 350 ang nakakumpleto ng maximum sentence, 200 ang napawalang-sala, at 196 ang ginawaran ng parole.

“So makakaasa kayo na kung kailangan lumaya na kayo, papalayain namin kayo. Pero hanggat nandito kayo, susunod kayo sa batas, alituntunin, at mga kautusan na hindi naman masama para sa inyo,” pahayag ni Catapang.

Pinoproseso naman ng Board of Pardons and Parole ang dokumento ng 100-anyos na preso sa CIW na kinokonsiderang pinakamatandang person deprived of liberty sa bansa.

Samantala, binalaan ni Catapang ang PDLs na hahanapin niya ang mga ito kapag tumakas sila.

“Wag na wag kayong tatakas. Hahanapin ko kayo kahit saan kayo. Kahit nasa Tawi-Tawi kayo o nasa Spartly pa kayo hahanapin ko kayo,” giit niya.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Catapang na sumailalim ang ahensya sa “massive storm” sa mga nakalipas na buwan dahil sa “untoward incident” magpaputok ng baril ng isang PDL at pagtakas ng isang preso. RNT/SA

Previous articleBaby nina Rocco at Melissa, muntik nang malaglag sa mesa!
Next articleEx-PS-DBM officials, Pharmally execs pinakakasuhan ng graft charges sa COVID-19 purchases