Home NATIONWIDE 89 dagdag-kaso ng COVID naitala

89 dagdag-kaso ng COVID naitala

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 89 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Agosto 23.

Ayon sa Department of Health, ang nationwide caseload ay umakyat na sa 4,109,404.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na mas mababa sa 100 ang bagong kaso ng COVID-19, at ika-12 magkakasunod na araw na mas mababa sa 150 bagong kaso.

Batay sa pinakahuling bulletin, mayroon namang 2,739 aktibong kaso ng COVID-19 ang bansa, at ang recoveries ay nasa 4,040,004.

Samantala, isa naman ang nadagdag sa death toll ng bansa sa nasabing sakit, na nasa kabuuang 66,661.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nananatiling ang National Capital Region ang may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa 409 kaso, sinundan ng Calabarzon sa 182, Central Luzon sa 181, Davao Region sa 111, at Western Visayas sa 103.

Ang bed occupancy ay nasa 12.4% sa 19,571 bakante at 2,767 okupadong kama. RNT/JGC

Previous articleHigit 2K pulis pinagbawalan mag-selfie sa FIBA World Cup
Next articleOperasyon, maintenance sa NAIA bukas na sa private bidders