Home HOME BANNER STORY 89% mas gusto ng June-March school calendar – SWS

89% mas gusto ng June-March school calendar – SWS

MANILA, Philippines – Aabot sa halos 50% ng mga adult Filipino ang hindi kumbinsido sa kasalukuyang K to 12 Basic Education Program, habang 89% ang nais ang dating June to March academic calendar, ayon sa Social Weather Station Survey (SWS) sa public opinion sa Philippine Education System.

Sa Second Quarter 2023 Social Weather Survey, ay nasa 1,500 Filipino adults edad 18-anyos pataas ang lumahok sa nationwide survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews na may sampling error na ±2.5%.

Ayon sa SWS polls na inisyu nitong Huwebes, Setyembre 28, 50% ng respondents ang nagpahayag na hindi sila kumbinsido sa K to 12 basic education program, habang 39% ang nagsabi na sila ay “satisfied” naman, at 9% ang undecided.

Nasa 2% naman ang walang kaalaman sa usapin at hindi alam ang kanilang opinyon tungkol dito.

Patungkol naman sa “preferred period” para sa pagsisimula ng klase, lumabas na 89% ng mga Filipino adult ang mas gusto ang June to March academic calendar, habang 10% ang nais ang Setyembre hanggang Hunyo, at 1% ang no preference.

Nauna nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na posibleng abutin pa ng hanggang tatlong taon bago maibalik ang lumang school calendar. RNT/JGC

Previous articlePBBM ‘on the way’ na sa pagtatalaga ng agri chief
Next articleSenate panel pupunta sa Socorro, ulat ng kulto bubusisiin