Home HOME BANNER STORY 8K parak, 90 sasakyan ng NCRPO ipakakalat vs transport strike

8K parak, 90 sasakyan ng NCRPO ipakakalat vs transport strike

MANILA, Philippines – Ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lahat ng magagamit nitong sasakyan para tulungan ang commuters na maaapektuhan ng tatlong araw na transport strike sa pagtatapos ng pagsasama-sama ng prangkisa ng jeep sa Abril 30.

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag noong Linggo, sinabi ni chief information officer Lt. Col. Eunice Salas na lahat ng 90 sasakyan ng NCRPO ay nakahanda na para sa pagpapadala mula Lunes hanggang Miyerkules, lalo na kapag rush hours.

“Mayroon tayong 90 available na sasakyan na naka-standby para magbigay ng libreng sakay sa ating mga kababayan na maaapektuhan ng transport strike,” sabi ni Salas.

Kasabay nito, sinabi ni NCRPO director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na 7,957 pulis ang lalabas para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

“Handa kaming tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa transport strike mula Abril 29 hanggang Mayo 1. Inilagay din namin ang aming mga tauhan sa ilalim ng full alert status bilang bahagi ng aming contingency plan para sa transport strike” sabi ni Nartatez sa isa pang pahayag.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Abril 30 na deadline para sa pagsasama-sama ng prangkisa sa ilalim ng public utility vehicle modernization program ay hindi na palalawigin. Santi Celario