
Sugatan ang siyam na bumbero matapos tumagilid ang kanilang fire truck habang paparesponde sa sunog na naganap sa ParaƱaque Huwebes ng hapon (Mayo 18).
Ayon sa report ng ParaƱaque Bureau of Fire and Protection (BFP), paparesponde ang fire truck ng mga biktima sa sunog Hontiveros Compound, Fourth Estate Subdivision, Barangay San Antonio nang iwasan ng kanilang driver ang isang motorsiklo at bumangga sa center island na naging dahilan ng pagtagilid ng fire truck at pagtilapon ng mga bumbero sa kalsada.
Agad namang dinala ang mga sugatang bumbero sa Ospital ng Paranaque para malapatan ng lunas ang kanilang mga tinamong sugat dahil sa aksidente.
Sinabi ni ParaƱaque City police chief P/Col. Renato Ocampo na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag sa bahay nap ag-aari ng isang Vicente Renelle dakong alas 12:40 ng hapon.
Agad na kumalat ang apoy sa magkakatabing kabahayan dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na naiulat na under control ng 3:04 ng hapon habang idineklara naman ang fire out dakong alas 7:34 ng gabi.
Napag-alaman din kay Ocampo na nasa P750,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian at 300 pamilya ang apektado sa sunog na tumupok sa kani-kanilang mga kabahayan.Ā James I. Catapusan