MANILA, Philippiens – Aabot sa siyam na barko ng China ang namataan 2 hanggang 3 milya ang layo mula sa dalampasigan ng Pag-asa Island kasabay ng pagbisita nina Senador Jinggoy Estrada at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa lugar nitong Huwebes, Mayo 18.
Ayon kay Lt. Erwen Ferbo, pinuno ng Joint Task Unit Pag-Asa, ang presensya ng Chinese at Vietnamese vessels ay namataan sa magkahiwalay na pagkakataon sa naturang lugar.
“Ang Vietnamese, Sir, nakaka-dalawa [ng lapit dito]. Pero ang Chinese, 3-4 at one week,” ani Ferbo.
Dahil dito ay agad na tumugon ang Armed Forces of the Philippines sa insidenteng ito at kinompronta ang mga sangkot.
“We challenge them under our territory. Also in other territories, 12 nautical miles from our waters,” pagbabahagi ni Commodore Allan Javier, Commanding General ng Naval Forces West, sa mga mamamahayag.
“May mga times na hindi sumasagot. Kapag tatlong beses naming nire-radio challenge at hindi sumagot, nire-record namin para maisama sa report at maging basehan ng panibagong ipa-file na diplomatic protest,” dagdag pa niya.
Advertisement