Home METRO 9 na miyembro ng BIFF sumuko

9 na miyembro ng BIFF sumuko

MAGUINDANAO DEL SUR- SIYAM na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction ang sumuko sa ginawang operasyon ng tropa ng pamahalaan, iniulat nitong Miyerkules, Marso 13 sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur.

Iprinisinta sa headquarter ng 33rd Infantry Battalion ang pagsuko ng siyam na kasapi ng BIFF kabilang ang tatlong kaanak ng sub-leader na si alyas Marox habang ang iba ay galing sa mga bayan ng General Salipada, Pendatun, Datu Unsay at Pikit.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang matataas na uri ng armas.

Sinabi ng militar na ang pagsuko ng siyam sa boundary ng Mamasapano at Radjah Buayan, ito’y matapos madakip sa operasyon ang BIFF subleader na si alyas Marox na wanted sa kasong destructive arson, paglabag sa anti-terrorism law at multiple attempted murder habang namatay ang anak nitong si Mohamad Nanding.

Hindi naman tumitigil sa panagawan ang militar sa mga natitirang terorista na magbalik-loob sa pamahalaan. Mary Anne Sapico

Previous articleAverage na kaso ng COVID araw-araw bumaba sa 36
Next articleAwra, proud sa amang MBA degree holder!