Home NATIONWIDE 9 pang OFW sa Lebanon nakauwi na ng Pinas sa gitna ng...

9 pang OFW sa Lebanon nakauwi na ng Pinas sa gitna ng Israel-Hezbollah conflict

MANILA, Philippines – Siyam pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon ang nakauwi na sa Pinas sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW).

Dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City sa pamamagitan ng Qatar Airways noong Miyerkules ng gabi.

Bibigyan sila ng lahat ng kinakailangang tulong, sabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

Sa ngayon, 19 na Pilipino ang naiuwi mula sa Lebanon, isang bansa sa hilaga ng Israel.

Inilagay ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Lebanon sa Alert Level 3 noong Oktubre 21, na nananawagan para sa boluntaryong repatriation, habang tumaas ang tensyon sa pagitan ng Israel at ng Islamist group na Hezbollah na suportado ng Iran.

Ang Hezbollah ay kaalyado ng mga militanteng Hamas, na naglunsad ng sorpresang pag-atake sa Israel noong Oktubre 7. RNT

Previous article7 sa 9 na presong pumuga, balik-kulungan
Next article2 syudad sa N. M’danao lubog sa baha; 790 katao inilikas