Home HEALTH 9 Pinoy patay sa COVID; Active cases sumirit sa 3,059

9 Pinoy patay sa COVID; Active cases sumirit sa 3,059

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes ng 190 bagong kaso ng COVID-19, kaya umabot na sa 4,118,212 ang kabuuang caseload ng bansa.

Batay sa pinakahuling bulletin nito, ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 3,059 mula noong Miyerkules na 2,975.

May kabuuang 97 na bagong recoveries ang naitala kaya umabot na sa 4,048,430 ang kabuuang bilang.

Siyam na pagkamatay ang naidagdag noong Huwebes, ang pinakamataas na bilang na naitala sa nakalipas na anim na araw. Nasa 66,714 na ngayon ang nasawi.

Sa nakalipas na 14 na araw, ang NCR ang may pinakamataas na bilang ng kaso na may 952, sinundan ng Calabarzon na may 413, Central Luzon na may 211, Davao Region na may 154, at Soccsksargen na may 104.

Ang bed occupancy ay kasalukuyang nasa 15.3%, na may 3,125 occupied at 17,313 ang bakante. RNT

Previous articlePinay caregiver ginahasa, pinatay ng among menor de edad sa Jordan
Next articleIkaapat na Pinoy na nasawi sa Israel-Hamas war, kinilala na