Home HOME BANNER STORY 9 suspected NPAs patay sa sagupaan sa Bukidnon

9 suspected NPAs patay sa sagupaan sa Bukidnon

MANILA, Philippines – Patay ang siyam na hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa operasyon ng militar sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Araw ng Pasko, Disyembre 25.

Sa pahayag ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army, ikinasa ang opensiba laban sa mga rebelde sa bulubunduking barangay ng Can-ayan, Kibalabag, Kulaman, at Mapulo madaling araw ng Lunes.

Walong armas ang narekober sa operasyon.

Wala namang iniulat na nasawi sa hanay ng mga militar.

Ang engkwentro ay naganap makaraang ideklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang unilateral ceasefire mula Disyembre 25 hanggang 26 para sa ika-55th founding anniversary ng grupo.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad na nananatiling alerto ang militar sa kabila ng ceasefire declaration ng CPP.

“We will be watchful and our operations will continue unabated to keep our communities safe and end the communist armed conflict, once and for all. The defeat of this threat aligns with the collective wish of all Filipinos,” ani Trinidad.

“The unilateral ceasefire declared by the CPP is an empty statement as they do not have the leadership and support of the masses. Their ammunition are depleted and their members, supporters included, are surrendering,” dagdag pa niya.

Noong Nobyembre, matatandaan na sinabi ng militar na inaalis nila ang posibilidad ng ceasefire sa CPP-NPA sa kabila ng Kapaskuhan. RNT/JGC

Previous articleMalakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw!
Next articleOperasyon ng MRT3 naantala sa usok sa bagon