Home HOME BANNER STORY 9 suspek tinutugis sa pagpatay sa estudyante sa Tondo

9 suspek tinutugis sa pagpatay sa estudyante sa Tondo

MANILA, Philippines – Hinahanting na ng Manila Police District (MPD) ang grupo ng siyam na kalalakihan na umano’y responsible sa pagkamatay ng isang 20-anyos na estudyante matapos na pagbubugbugin sa isang restobar nitong Biyernes ng madaling araw noong Oktubre 20.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa grupo ng kalalakihan na mga suspek na pagpatay kay Randall Bonifacio Y Rillion ng Pilar St., Brgy 199, Tondo na namatay dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Oktibre 21 habang ginagamot sa Tondo Medical Center.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Boy Niño Baladjay, dakong alas-5:10 ng umaga noong October 20, 2023 nang naganap ang insidente kung saan nag-inuman ang biktima at ilang kaibigan nito sa loob ng Baluarte Bar and Restaurant sa 631 Northbay Blvd., Tondo, Manila.

Papauwi na sana sila nang ilang grupo ng kalalakihan ay walang sabi-sabing pinukpok ang biktima gamit ang isang hollow blocks na nagresulta sa sugat sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang agad na isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay habang ginagamot.

Ang insidente ay hindi kaagad na iniimbestigahan ng pulisya makaraang humiling ang pamilya at mga saksi nito na ipagluksa muna ang labi ng kanilang anak.

Ngayong Martes, Oktubre 24, dakong alas-1:30 ng tanghali ay personal na nagtungo ang pamilya nito sa pulisya para imbestigahan ang nasabing insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKandidatong tserman patay sa gun man na nagkunwaring hihingi ng alak
Next articleAlbay nagdeklara ng State of Climate Emergency